MANILA, Philippines – Nagkaisa ang Department of Health (DOH) at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pag hatid ng libreng serbisyong medikal sa Simbakalusugan.
Isinagawa ito sa Our Lady of the Pillar Catholic School sa Imus, Cavite ngayong araw, February 14, 2026.
Matatandaang mismong si Health Sec. Ted Herbosa ang nagpakilala ng programang ito noong ikatlong National Hospital Chaplaincy Conference noong nakaraang taon.
Layon ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan ng Simbahan at ng DOH sa pagsusulong ng kalusugan sa komunidad.
Ilan lamang sa mga libreng serbisyong hatid ng Simba-kalusugan ang:
-️-Dental check-up
️–Physical check-up
️–HIV screening
️–Libreng gamot
–️Pagpapalaboratory
-️-X-ray para sa TB screening
-️-Health education tungkol sa Mental health, Substance use at Non-communicable diseases gaya ng altapresyon at diabetes
Kasama rin ang Imus,Cavite LGU sa gawaing ito na narerefer ang mga pasyente para sa karagdagang pagsusuri upang mabigyan ng nararapat na gamutan kung kinakailangan lalo na para sa HIV at tuberkulosis. Jocelyn Tabangcura-Domenden