Home METRO Estudyante patay sa tama ng kidlat sa Biliran

Estudyante patay sa tama ng kidlat sa Biliran

1
0

MANILA, Philippines – Patay ang 15-anyos na estudyante matapos tamaan ng kidlat habang umaakyat kasama ang iba pa sa Mt. Sayao sa Barangay Villa Consuelo, Naval, Biliran, nitong Biyernes ng hapon, Oktubre 23.

Kinilala ang biktima na si “Jimy,” na idineklarang patay bandang alas-9 ng gabi ni Municipal Health Officer Ralph D. Bueno.

Ayon sa report mula sa Naval Municipal Police Station, ang biktima at mga kasama nito ay nagtungo sa kanilang paaralan at nang maagang matapos ang klase ay nagdesisyon na umakyat sa Mt. Sayao.

Nagsimulang umulan 3:45 ng hapon dahilan para sumilong muna ang grupo.

Pagsapit ng 4:10 ng hapon ay tumama ang isang kidlat sa lugar at doon na nakita ang estudyante na sumisigaw at tinamaan.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Naval police at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here