MANILA, Philippines – Inaresto ng pulisya ang 33-anyos na negosyante sa drug buy-bust operation sa Sarrat, Ilocos Norte.
Sa report, nakumpiska ng Sarrat Municipal Police Station ang limang heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang “shabu” na tumitimbang ng 1.61 gramo.
Narekober din ng mga awtoridad ang drug-using paraphernalia, mobile phone, itim na sling bag, gunting, lighter, motorsiklo at buy-bust money.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kaukulang reklamo. RNT/JGC