Manila, Philippines – “Please stop harassing my brother dahil sa wedding na may kulang!”
Ito ang nangangalit na pakiusap ni Matet de Leon sa mga bashers nilang magkakapatid–lalo na silang mga inampon ng inang si Nora Aunor.
Ito ay bilang palabang buwelta makaraang no-show si lan sa Leon sa kasal ng kapatid na si Kenneth.
Feeling ni Matet, pilit na ibinabagsak ng ilang tao silang magkakapatid.
Patuloy ni Matet: “Wala kaming obligasyon na mag-explain sa inyong lahat dahil pinipili lang namin kung ano ang willing naming i-share sa lahat. ‘Yung iba, amin na lang!”
Napakadali daw mag-judge ng ibang tao: “Hindi na kami nagbabasa ng pinagsusulat n’yo na walang kakwenta-kwenta at bulok!”
Para naman sa mga may magagandang comments, humingi ng dispensa si Matet.
Ang mga ito daw ay may matuwid na pag-iisip at maayos ang pag-uugali.
“Sa totoo lang, wala nang ginawang tama kaming mga ampon ni Ms. Nora Aunor…ngayon, tatanggalan na namin kayo ng power over our minds. From now on, lahat kayong bulok na tao na may nakakasukang comments, wala nang importansya sa amin!”
Matakot sa galit ni Matet ‘coz she ain’t kidding! Ronnie Carrasco III