MANILA, Philippines – Pinasinayaan ng National Housing Authority (NHA) ang tatlong low-rise buildings (LRBs) ng Disiplina Village-Arkong Bato sa seremonyang ginanap sa Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City.
Personal na pinangunahan ni NHA General Manager Joeben A. Tai ang inagurasyon at blessing ng MRBs, na sinamahan ni NHA NCR-North Sector Regional Manager Engr. Jovita S. Panopio.
Sa mensahe, iginiit ni GM Tai ang kahalagahan ng naturang event bilang bahagi ng commitment ng administrasyong Marcos sa pagbibigay ng ligtas, disente at maayos na tirahan at komunidad.
“Ang hiling lamang namin sa ating mga mahal na benepisyaryo, nawa’y alagaan at pagyamanin ninyo ang mga yunit ng pabahay na igagawad po namin sa inyo. Hangad po namin na ang bawat yunit na ito ay magsilbing sandigan at gabay ninyo tungo sa kaginhawaan,” ani GM Tai.
Sa kasalukuyan, ang Disiplina Village – Arkong Bato ay mayroong pitong fully accomplished buildings.
Ang bawat gusali ay mayroong 48 housing units na may flood area na mula 24 sq. m hanggang 30 sq. m. RNT