Home ENTERTAINMENT Sanhi ng pagkamatay ni Vangie, hindi inihayag!

Sanhi ng pagkamatay ni Vangie, hindi inihayag!

247
0

Manila, Philippines – Sumakabilang-buhay na nga ang beteranang aktres na si Vangie Labalan.

She was 83.

Inanunsyo ito mismo ng kanyang anak na si Carlo Labalan sa pamamagitan ng social media.

Sa Australia nalagutan ng hininga si Vangie o Ma. Christina Bonghanoy Labalan sa tunay na buhay.

Hindi tinukoy ang kanyang karamdaman.

Nakatakdang iuwi ang mga labi ng aktres–na ang sanhi ng pagpanaw ay inaasahang ibabahagi ng kanyang pamilya.

Vangie is survived by her four children.

Ayon sa post ni Carlo: “To everyone

who knows her, loves her and was touched by her kindness, we extend our deepest gratitude. She is deeply loved and will be dearly missed by her family, friends and all whose lives she touched.”

Mahigit anim na dekada ang itinagal

ng acting career ni Vangie.

She began her career at 19 when she auditioned for a radio drama in Bacolod in 1962.

Ang National Artist na si director Ishmael Bernal ang nakatuklas sa kanya nang maispatan sa dubbing studio noong 1979.

Nagda-dub si Vangie noon para sa pelikulang Aliw nang makita ni Bernal who cast her in City After Dark in 1980, Himala in 1982 and Sugat sa Ugat in 1983–ayon na rin kay Vangie sa panayam ng PEP sa kanya noong 2024.

Aside from being an actress, isang mahusay ding voice actress at radio soap writer si Vangie.

Vangie was last seen in FPJ’s Batang Quiapo.

Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Ms. Vangie Labalan. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here