Home METRO 6 arestado sa makeshift drug den sa Olongapo City

6 arestado sa makeshift drug den sa Olongapo City

165
0
via PDEA 3

ZAMBALES, Philippines – Nagsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency Zambales Provincial Office kasama ang Olongapo City Police Office Station 3 sa Barangay New Kalalake, Olongapo City, noong gabi ng Pebrero 13, ayon sa ulat ng PDEA.

Anim na suspek ang naaresto sa operasyon sa umano’y makeshift drug den.

Nasamsam mula sa kanila ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na walong gramo, tinatayang nagkakahalaga ng P54,400, pati na rin ang assorted drug paraphernalia, isang mobile phone, at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya at haharap sa kaso sa ilalim ng Republic Act 9165. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here