MANILA, Philippines – Nilinaw ng National Police Commission (NAPOLCOM) noong Linggo na ang pag-aresto ay hindi awtomatikong requirement sa mga traffic accidents, kasunod ng insidente sa LRT-1 sa Quezon City kung saan isang estudyante ang nahulog sa platform.
Ayon kay NAPOLCOM vice chairperson Rafael Vicente Calinisan, ginagawa ang pag-aresto ng pulis para maiwasan ang reklamo ng grave misconduct o negligence laban sa kanila.
Gayunpaman, aniya may dalawang opsyon, una ay ang pag-aresto sa motorista at isailalim sa inquest proceedings, at pangalawa ay palayain ang motorista at kasuhan lamang sa regular na criminal filing kung malinaw na walang kapabayaan o kulang ang ebidensya.
Binanggit din ni Calinisan na nire-review ng NAPOLCOM at Philippine National Police ang polisiya sa traffic procedures upang mas malinaw ang discretion ng mga pulis sa aksidente.
Samantala, hinikayat ni Senador JV Ejercito ang agarang pagpasa ng Defensive Driving Protection Act para protektahan ang mga inosenteng motorista mula sa agarang pagkakakulong sa kaso ng aksidente sa kalsada.
Ang driver sa LRT incident ay pinalaya na habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisiya. RNT/MND