Home ENTERTAINMENT Mark, tuluyan nang hiniwalayan ng misis?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Mark, tuluyan nang hiniwalayan ng misis?February 16, 2026 12:502010 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Bukod sa kanyang viral “crying video” sa Instagram ay may kailangan pang i-address na isyu si Mark Herras.Ito’y ang balitang tuluyan na daw siyang hiniwalayan ng misis na si Nicole Donesa.Bale ba, plano daw nitong mag-aral sa Amerika at isasama doon mismo ng kanyang ina.If true, “matic” na isasama ni Nicole ang kanilang dalawang anak na sina Corky at Mija.Wala ba kayong napapansin–shades of LJ Reyes na ka-batch ni Mark sa Starstruck?Matatandaang noong kumalas si LJ kay Paolo Contis ay lumipad ito sa New York with their daughter Summer at Aki na anak naman nila ni Paulo Avelino.Ang kaibahan nga lang ng kaso ni Mark, may financial aspect ito.Mabuting linawin na ito ni Mark kesa maunahan na naman siya ng fake news.Pag nagkataon, dadami na naman ang tatawaging “tanga” at “inutil” ni Mark na ginagawa siyang content! Ronnie Carrasco III