Home IN PHOTOS 2 Chinese national na kumidnap sa kapwa Chinese arestado ng NBI

2 Chinese national na kumidnap sa kapwa Chinese arestado ng NBI

170
0

MANILA, Philippines – TUGIS-TUGIS na ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang Chinese na suspek sa pagdukot sa isang biktimang babaeng Chinese national nitong Pebrero 8 makaraang maaresto ang dalawang iba pang Chinese national na sangkot sa pagdukot.

Ayon kay Christopher Hernandez, hepe ng International Operations Division ng NBI, nagsasagawa na ng follow up operations ang NBI agents laban sa dalawang at large na Chinese national na suspek.

“We are pursuing the remaining two,” sabi ni Hernandez.

Tiniyak umano ng biktima na hindi na pinangalanan, na apat kataong kapwa niya Chinese national ang kumidnap sa kanya, at wala ang dalawa sa site nang maaresto ang dalawa sa mga suspek.

Nauna rito ay nagsagawa ng entrapment operation sa isang hotel sa Quezon City nitong nagdaang linggo ang mga NBI agents, at nailigtas ang babaeng biktima mula sa mga kriminal.

Nagawa ng biktima na makontak sa Viber ang kanyang nobyo at masabi ang kinasapitan sa kamay ng mga buhong na kidnapper na nagbanta sa kanyang nobyo na ita-chop-chop ang biktima kung hindi magbibigay ng ransom money.

Dahil sa kumpirmasyon ng pagdukot mula sa mga suspek, humingi ng tulong ang nobyo sa NBI para sa ikaliligtas ng nobya at pagkadakip ng mga suspek.

Tiniyak naman ni Hernandez na mayroon na silang matibay na lead sa ikadarakip ng dalawang at-large na Chinese kidnappers.

Kasalukuyan ding bineberipka kung totoong nagkaroon na ng inisyal na bayaran ng halos P800,000.00 sa pagitan ng mga kidnapper at biktima na pawang hindi pa pinangalanan. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here