Home NATIONWIDE Reporma sa benepisyo, karera ng mga guro, ipatutupad ng DepEd

Reporma sa benepisyo, karera ng mga guro, ipatutupad ng DepEd

199
0
Slice Of Life

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) ang “sweeping policy reforms” na nagtaas ng allowances, pinalawak ang career progression, at pinababa ang administrative workload ng mga guro, lalo na sa public schools.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, malinaw ang utos ni President Ferdinand Marcos Jr. na unahin ang kapakanan ng mga guro.

Sa ilalim ng reporma ang medical allowance ay tumaas mula P500 → P7,000 bawat taon, at teaching allowance mula P3,500 → P10,000 bawat taon para sa public school teachers; sa Expanded Career Progression (ECP) system: 16,423 guro na-promote na, habang 40,000 pa ang nakabinbin, at hindi na kailangan lumipat sa administrative roles para tumaas ang sahod.

Samantala, nabawasan ang paperworks mula 174 forms → 75 forms, higit 50% na mas kaunti ang administrative burden.

Ang overtime pay, service credits, at hardship allowance ay pinabuti. Ang vacation leave ay tumaas mula 15 → 30 araw, at hardship allowance sa remote areas ay fixed na 25% ng sahod.

Ipinatupad ang flexible work arrangements at inclusive hiring upang mas suportahan ang guro.

Para naman sa private school teachers, ang Teacher Salary Subsidy (TSS) tumaas mula P18,000 → P24,000 bawat taon.

Ani Angara, “Kapag inaalagaan natin ang ating mga guro, mas napapangalagaan din natin ang kinabukasan ng ating mga mag-aaral,” at idinagdag niya na ito ay bahagi ng direksyon ng Bagong Pilipinas para sa edukasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here