MANILA, Philippines – Magsasampa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng criminal charges laban kina Jose Yumang Sonza (Jay Sonza) at Jefrey Luces Celiz (Ka Eric Celiz) dahil sa umano’y pagpapakalat ng pekeng medical information tungkol kay President Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa NBI, natukoy ang dalawa sa pamamagitan ng targeted cyber-surveillance noong Enero 2026.
Si Sonza ay nag-post sa kanyang verified Facebook account, habang si Celiz ay nag-upload sa YouTube, na nagpapakita ng CT-scan report at nag-aakusa ng “deterioration” sa kalagayan ng Pangulo.
Bagama’t na-delete o na-restrict ang mga posts, nakuha ng NBI ang digital evidence gamit ang screenshots at tracking ng content na patuloy na na-repost.
Inirekomenda ng ahensya ang kaso laban sa kanila sa ilalim ng Cyber Libel (RA 10175) at Unlawful Use of Means of Publication.
Wala pang pahayag sina Sonza at Celiz tungkol sa reklamo.
Ayon sa Malacañang, inaasahan nilang imbestigahan ng NBI ang isyu, kasunod ng viral na pekeng medical report na nagbanggit ng posibleng surgery ni Marcos. RNT/MND