Home METRO Closed fishing season, tapos na; galunggong, ‘di na dapat umabot ng P300/kilo...

Closed fishing season, tapos na; galunggong, ‘di na dapat umabot ng P300/kilo – Pamalakaya

199
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), hindi na dapat umabot sa P300 kada kilo ang presyo ng galunggong matapos ang pagtatapos ng closed fishing season sa Visayan Sea at iba pang pangunahing pangingisdaan noong Pebrero 16.

Iginiit ng grupo na dapat bantayan ang mga negosyante na posibleng manipula ang presyo, at dapat bumaba ang retail price para sa kapakinabangan ng parehong mangingisda at mamimili.

Pinuna rin nila ang kakulangan ng subsidy at alternatibong kabuhayan para sa small-scale fishers sa Panay, Batangas, at Zamboanga Peninsula sa tatlong buwang ban.

Ani Pamalakaya Chairperson Fernando Hicap, ang kasalukuyang patakaran ng Marcos administration sa fisheries crisis ay pansamantala lamang, na nakatutok sa alternating closed seasons at importasyon, na lalo pang nagpapahina sa lokal na produksyon.

Dapat, sa muling pagsisimula ng pangingisda, ayusin ang supply at ipakita ang patas na presyo sa merkado. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here