Home NATIONWIDE Paglilitis vs Zaldy Co sa P289M flood control project sa OrMin, itinakda...

Paglilitis vs Zaldy Co sa P289M flood control project sa OrMin, itinakda sa Marso – Sandiganbayan

227
0

MANILA, Philippines – Itinatakda ng Sandiganbayan Sixth Division ang pagsisimula ng trial laban kay dating kongresista Zaldy Co at iba pang akusado sa P289 milyon na anomalous flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro, sa Marso 3 at 5.

Magpapatuloy ang hearing tuwing Martes at Huwebes, 8:30 a.m.

Si Co ay nasa abroad mula Hulyo 2025 at naghain ng petisyon sa Supreme Court laban sa kanyang indictment, ngunit hindi pa naglabas ang SC ng temporary restraining order.

Ang kanyang co-accused mula sa DPWH Region IV-B ay sina Gerald Pacanan, Gene Ryan Altea, Ruben Santos, Jr., Dominic Serrano, Felisardo Casuno, Lerma Cayco, Juliet Calvo, Dennis Abagon, at Montrexis Tamayo, na lahat ay nag-plead ng “not guilty.”

Ang mga babae ay nakakulong sa Camp Karingal, habang ang mga lalaki sa Payatas New Jail, Quezon City.

Sa mga preliminary hearings, sinabi nina Oriental Mindoro Gov. Humerlito Dolor at COA auditor Raymundo Manalo na ang mga sheet piles sa proyekto ay substandard, 3 metro lamang sa halip na 12 metro ayon sa kontrata. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here