MAGUINDANAO DEL SUR, Philippines – Isinuko ng mga sibilyan sa Maguindanao del Sur ang 43 assorted unlicensed firearms sa militar noong Lunes, ayon sa ulat.
Kabilang sa mga baril ang M16 rifles na may M203 grenade launchers at caliber 50 sniper rifles, bahagi ng Small Arms and Light Weapons Management Program ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity.
Ayon kay Lt. Col. Aeron Gumabao, ang pagsuko ng mga baril ay tanda ng tiwala ng sibilyan sa militar at pamahalaan.
Pinuri rin ni Maj. Gen. Jose Vladimir Cagara ang mga sibilyan at nanawagan sa ibang may unauthorized firearms na sumunod at maging bahagi ng kapayapaan sa kanilang komunidad. RNT/MND