Home METRO Kelot tiklo sa mga baril, bala sa Bataan

Kelot tiklo sa mga baril, bala sa Bataan

212
0

BATAAN, Philippines – Timbog sa mga awtoridad ang isang lalaki matapos mahulian ng iba’t-ibang kalibre ng mga iligal na baril sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Barangay Cupang Proper, Balanga City.

Batay sa ulat ni Bataan Police Director Col.Marites Salvadora Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil umano sa pag-iingat ng baril ng suspek.

Nasamsam sa suspek ang isang Cal.45 pistol, mga bala nito (22 pcs); isang Cal.38 Revolver; dalawang (2) caliber .22 Rifle at apat (4) na buhay na bala para sa 12 Gauge shotgun.

Sa bisa ng Search Warrant na inisyu ng Korte ay hinalughog ng mga awtoridad ang bahay ng suspek kung saan nadiskubre ang mga baril at samu’t-saring bala sa magkakaibang kalibre ng baril.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here