Home ENTERTAINMENT Echo at Kim, nagkausap, nagkaayos na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Echo at Kim, nagkausap, nagkaayos na!February 17, 2026 19:292360 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Inisnab nga ba ni Jericho Rosales si Kim Chiu noong mag-promote ang aktor ng kanyang movie sa It’s Showtime?Ito ang nilinaw ni Echo na halatang nagulat sa naturang isyu.Nag-react kasi ang mga netizens nang kumalat ang tsikang nilampasan lang ni Jericho si Kim nang magbeso siya sa mga Showtime hosts.Echo was on the said noontime show to promote his movie with Anne Curtis, ang The Loved One.Napuna rin ng mga netizens ang tila “walang kabuhay-buhay” na sagot ng aktor when asked by Kim tungkol sa nasabing reunion film nila.“Wala lang” kasi ang isinagot ni Echo–to think na madaldal ito kapag kausap.Ayon kay Echo, hindi siya aware na may ganoong isyu–samantalang siya pa nga daw ang unang bumati kay Kim.Aniya: “I really don’t know what happened there. She was even the one I greeted first, and she said ‘hi’ to me!”Echo added he had to text Kim right away to make sure everything was fine: “I texted her, ‘Hi, Kim, what’s happening? Why is this happening?Are you okay? Is there something that made you feel uncomfortable’?”Nag-reply naman daw si Kim sa kanya, assuring him na wala naman.“All is well, she even said: ‘Congrats sa movie!’ Kaya I have no idea where that tsika came from,” sey ni Echo.Samantala, balitang mahigit P6M ang first day gross take ng Anne-Echo reunion movie.Not bad daw pero mababa daw ito kung ang bida’y si Kathryn Bernardo – Vice Ganda.Obyus naman. Ronnie Carrasco III