MANILA, Philippines – Inaasahan ang maulap at maulang panahon sa ilang bahagi ng bansa ngayong Miyerkules dulot ng Northeast Monsoon o amihan at ng easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa inilabas nitong 4 a.m. weather bulletin, sinabi ng PAGASA na makararanas ang Caraga at Davao Region ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa easterlies.
Makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may pag-ulan ang Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, at Camarines Norte dulot ng Northeast Monsoon.
Magdadala rin ang Northeast Monsoon ng maulap na kalangitan na may isolated rains sa Metro Manila, Visayas, at iba pang bahagi ng Luzon.
Samantala, ang natitirang bahagi ng Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT