Home NATIONWIDE Veteran journalist Philip Lustre nakapagpiyansa na

Veteran journalist Philip Lustre nakapagpiyansa na

1
0

MANILA, Philippines – Pansamantala nang nakalaya ang beteranong mamamahayag na si Philip Lustre Jr. mula sa detention matapos makapagpiyansa ng P48,000 sa kasong cyberlibel.

Sa post, makikita si Lustre sa istasyon ng pulis kasama ang kanyang abogado na hawak ang release papers.

Matatandaan na nitong Sabado, Oktubre 24, ay inaresto si Lustre habang nasa Saturday News Forum sa Quezon City at dinala sa Quezon City Police District Kamuning Police Station 10 para sa booking at medical examination.

Ayon sa abogado ni Lustre na si Atty. Dino De Leon, hindi alam ng kliyente ang reklamo bago ito arestuhin.

Hindi rin agad sinabi ang pagkakakilanlan ng complainant at ang eksaktong publikasyon na nagtulak sa reklamong cyberlibel.

“Hanggang may mga lumalaban para sa tama, hinding-hindi mananaig ang mga taong gustong patahimikin tayo, lalong-lalo na ang mga kapatid natin sa media,” ayon sa abogado nito.

“Hinding-hindi tayo pasisiil,” dagdag pa.

Si Lustre ay matagal nang mamamahayag, essayist, at kilalang kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Iniakda niya ang Kill, Kill, Kill: Extrajudicial Killings in the Philippines: Crimes Against Humanity v. Rodrigo Duterte et al., aklat na sumusuri sa mga pagpatay na iniuugnay sa war on drugs ni Duterte at mga alegasyon sa International Criminal Court. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here