Home METRO Pamangkin ng alkalde ng Shariff Aguak, utas sa ambush

Pamangkin ng alkalde ng Shariff Aguak, utas sa ambush

192
0

MANILA, Philippines – Patay ang pamangkin ng alkalde ng Shariff Aguak habang dalawa pa ang sugatan, kabilang ang kapatid ng alkalde, matapos tambangan sa isang national highway sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Martes, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Capt. Steffi Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region, na sakay ang mga biktima ng isang itim na Nissan Livina na bumiyahe mula Cotabato City patungong Shariff Aguak nang sundan sila ng isang puting mini-van na walang plaka at pinagbabaril gamit ang assault rifles bandang alas-11 ng umaga.

Sa kabila ng kanyang mga sugat, nagawa pang makarating ng driver na si Datu Morsid Ampatuan, pamangkin ng alkalde, sa isang Army checkpoint sa Datu Unsay ngunit kalaunan ay binawian ng buhay sa ospital.

Sugatan naman sina Yasser Ampatuan, 49, kapatid ng alkalde, at Lemon Bangen, 36, residente ng Datu Hofer Ampatuan. Kasalukuyan silang ginagamot sa Bangsamoro Regional Medical Center.

Nauna nang nakaligtas si Mayor Akmad Ampatuan Sr. sa hiwalay na ambush gamit ang rocket-propelled grenade sa Shariff Aguak noong Enero 25.

Ayon sa pulisya, patuloy pang iniimbestigahan ang insidente at hindi pa tukoy ang motibo sa pag-atake. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here