Home NATIONWIDE Panukalang pagbibigay pensyon sa mga magsasaka umani ng suporta

Panukalang pagbibigay pensyon sa mga magsasaka umani ng suporta

206
0

MANILA, Philippines – “Panahon na para ibalik sa mga magsasaka ang kanilang sakripisyo.”

Ito ang pahayag ni House Committee on Higher and Technical Education Chairman at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre sa pagsusulong sa Kamara ng House Bill (HB) No. 7663 o ang pagbibigay ng regular pension at insurance coverage sa mga magsasaka na hindi sakop ng Social Security System (SSS) at Government Service and Insurance System (GSIS).

“Filipino farmers remain among the poorest and most vulnerable sectors in the country despite being at the forefront of food production. Many elderly farmers have no access to pension systems such as SSS or GSIS and face increasing healthcare and subsistence needs in their senior years,” pahayag ni Acidre.

Layon ng panukala na inihain ni Leyte Rep. Martin Romualdez na bigyan ng P3,000 monthly pension at insurance benefits ang mga kuwalipikadong magsasaka.

Umaasa si Acidre na agad uusad sa Kamara ang panukala lalo at maraming magsasaka ang may edad na at nangangailangan ng agarang tulong.

“Nakikita natin ang pangangailangan ng batas na ito dahil sa tumatandang edad ng ating mga magsasaka. Nakikita natin ang kanilang growing needs, lalo na sa healthcare at sa pang-araw-araw nila. Malaking bagay na pagtuunan natin ng pondo at atensyon ang pangangalaga sa ating mga magsasaka, lalo na sa kanilang senior years,” paliwanag ni Acidre.

Sa ilalim ng panukala ay kuwalipikado na makatanggap ng pensyon ang nasa 60 anyos pataas athindi tumatanggap ng anumang pension mula sa SSS, GSIS o pribadong retirement system.

Bukod sa pensyon ay mayroon din basic life coverage na ₱50,000 at accident at disability assistance na ₱25,000.

Nilinaw ni Acidre na hindi “dole out” ang isinusulong sa Kamara bagkus ay permanenteng sistema.

Sa oras na maisabatas, aatasan ang Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Crop Insurance Corp. (PDIC) na ipatupad ang programa, magtatatag din ng national database para sa elderly, indigent at disabled farmers.

Ang budget para sa programa ay isasama sa budget ng DA at DSWD.

Sinabi ni Acidre na kung may political will ay mabilis itong maisasabatas.

“Ang sustainability ng social pension programs ay nakasalalay sa political will. Hindi ang tanong ay kung kaya bang pondohan, kundi kung dapat bang pondohan. Kung titignan ang kalagayan ng magsasaka, walang dahilan para hindi ito pondohan,” pagtatapos pa ni Acidre. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here