Home NATIONWIDE Higit P1B ismagel na yosi, nasabat ng PNP simula Enero 2026

Higit P1B ismagel na yosi, nasabat ng PNP simula Enero 2026

160
0

MANILA, Philippines – Nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit ₱1 bilyon halaga ng smuggled cigarettes sa mga operasyon sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Pebrero 12, 2026, ayon sa pulisya.

Sinabi ni PNP spokesperson PBGen. Randulf Tuaño na nagsagawa ang mga awtoridad ng 1,150 operasyon sa nasabing panahon, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 719 indibidwal.

“Patuloy nating pinaiigting ang ating anti-smuggling operations, kasali diyan ‘yung illegal manufacturing of tobacco. Katuwang ang iba pang ahensya upang maprotektahan ang ekonomiya at masiguro ang pagpapatupad ng batas,” ani Tuaño.

Ayon sa PNP, sumasalamin ang mga nasabat sa pinaigting na kampanya sa ilalim ng pamumuno ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. Mula nang manungkulan siya, mahigit ₱4 bilyon halaga ng illegal cigarettes na ang nakumpiska sa buong bansa.

Ipinaliwanag din ni Tuaño ang kaibahan ng smuggling at illegal local manufacturing.

“Ang naging operasyon nila, ito ay naging local na kung saan sila ay nag-assemble dito ng mga makina upang makapag-manufacture ng mga illegal cigarettes. ‘Yung ating anti-illegal smuggling operation sa tobacco, ito ‘yung sinasabing natin na mga lusot na produkto mula sa abroad,” aniya.

Ayon sa pulisya, may mga grupong nag-aassemble ng cigarette-making machines sa loob ng bansa upang makagawa ng untaxed tobacco products, habang ang iba naman ay nagpupuslit ng mga produkto mula sa ibang bansa. Patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang ganitong aktibidad sa Luzon, Visayas, at Mindanao at tiniyak na paiigtingin pa ang kampanya laban sa illicit tobacco trade. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here