Home ENTERTAINMENT Jiro, nagbenta ulit ng tropeo!

Jiro, nagbenta ulit ng tropeo!

157
0

Manila, Philippines — Take 2.

Nakadalawang transaksyon na ang Magnifico star na si Jiro Manio sa negosyanteng si Boss Toyo.

Matatandaang ang una nilang encounter ay noong ibenta ni Jiro ang kanyang Gawad Urian Best Actor trophy two years ago.

Makaraan ang tawaran, binili ng memorabilia collector ang naturang item sa halagang P75,000.

Dose anyos noon si Jiro nang manalo siya ng nasabing acting award noong 2003.

Sa ikalawang pagkakataon, muli na namang sinadya ni Jiro ang puwesto ni Boss Toyo.

Ang kanyang first ever Best Child Actor trophy para sa pelikulang Bagong Buwan naman ang iniaalok niya.

Matutunghayan ang aktwal na pagbebenta ni Jiro sa Pinoy Pawnstars sa YouTube channel ni Boss Toyo.

May pamagat ang Season 2/Episode 60 na ito na — Ang Follow-up ni Jiro Manio.

Sa umpisa ay tsikahan muna ang naganap, kung saan ini-interview ni Boss Toyo si Jiro.

Ang naturang tropeo ay nakamit ni Jiro sa Metro Manila Film Festival.

The film starred Cesar Montano and Carlo Aquino.

Kahit hindi isapubliko ang presyuhan, obyo na mas mababa ang naibenta ni Jiro ang tropeong iyon kumpara sa Urian award.

Still, sana’y nakatulong ang napagbentahan sa pinagdadaanan ni Jiro hanggang ngayon.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here