Home ENTERTAINMENT Itsura ni Anjanette, nakagugulat!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIESUncategorized Itsura ni Anjanette, nakagugulat!February 19, 2026 12:241680 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines — Viral ngayon ang isang video sa Instagram na nagpapakita kay Anjanette Abayari — who’s in town.May kasama siyang female friend na nagpakilala kay AJ bilang isa sa mga gumanap na Darna.Kaso, maraming netizens ang nagulat sa hitsura ng dating beauty queen-actress.Ayon sa Instagram post ni Admin Jo, sa sobrang payat daw ni Anjanette ay nagmukha itong matanda.Sumikat noong dekada ’90, AJ was one of local showbiz’s prettiest faces, bukod sa magandang hubog ng kanyang pangangatawan.Ilan lang ito sa mga komento ng netizens:“She looks different, she looks old… ’di bagay ang pagkapayat niya!”“Ang ganda pa rin, pero sana magkalaman nang konti!”“She needs to lighten her hair, it’s so dark. It’s aging her!”“What happened to her? I hardly recognize her!”Matapos makuha ang Binibining Pilipinas crown, bumida si AJ sa Darna: Ang Pagbabalik noong 1994.Naging leading lady siya ni Fernando Poe Jr. sa action-comedy flick na Ang Syota Kong Balikbayan noong 1995 at Pagbabalik ng Probinsyano noong 1998.Naging katambal din ni Comedy King na si Dolphy si Anjanette sa Aringkingking: Ang Bodyguard Kong Sexy.Bakit nga ba ang payat mo, AJ?Ronnie Carrasco III