Home ENTERTAINMENT OA na bouquet, regalo ni Khalil kay Gabbi!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES OA na bouquet, regalo ni Khalil kay Gabbi!February 19, 2026 12:331750 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines — How time flies indeed.Walong taon na palang ipinagdiriwang ng magnobyong Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang Valentine’s Day.Proud pa ngang ipinost ng aktor sa Instagram kung paano nila ipinagdiwang ang Hearts’ Day.Isang bonggang-bonggang bouquet lang naman ng sunflower (hindi ’yung manipis na crackers, huh!) ang ibinigay ni Khalil kay Gabbi.May kasama itong sweet message sa card nito.Nakasaad sa card ang mga makatunaw-pusong katagang: “As long as the sun rises, I will always love you. Happy Valentine’s Day, my love!”Huwag tawaran ang bouquet dahil hanggang hips o bewang ang taas nito habang nakalagay sa mesa.Larawan ng nag-uumapaw na kasiyahan ang magkasintahan.“Eighth Valentine’s Day together. I love you @gabbi,” caption ng post ni Khalil.Magpapakabog ba naman ang Kapuso actress?Equally sweet din ito sa kanyang IG Story, kung saan nag-post siya ng larawan ng bouquet of sunflowers na may kalakip na: “ily @khalilramos.”Samantala, minsan nang inamin ni Gabbi na napag-uusapan na raw nila ni Khalil ang mag-settle down.Eh, ’di go na!Ronnie Carrasco III