Home ENTERTAINMENT Sylvia, kinunan ng reaksyon sa JLC-Robi isyu!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sylvia, kinunan ng reaksyon sa JLC-Robi isyu!February 19, 2026 12:502000 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines — Naiipit nga ba sa dalawang nag-uumpugang bato si Sylvia Sanchez?Kaugnay ang tanong na ito sa isyung kinapalooban nina John Lloyd Cruz at Robi Domingo.Matatandaang nag-ugat iyon sa kasal ng anak ni Sylvia na si Ria Atayde at ni Zanjoe Marudo.Kamakailan, sa reception ng kasal, nagkaroon umano ng near-physical contact sa pagitan nina Lloydie at Robi.Isa si JLC sa mga attendees, samantalang nagsilbing host naman si Robi.Kinuha ng press ang reaksyon ni Sylvia ukol sa insidente.Pero consistent ang actress-producer — na ngayo’y talent manager na rin — sa pagsasabing: “Hanggang diyan na lang kayo.”The least Sylvia said was: “I love Lloydie, oo… I love him so much.“Hanggang do’n na lang. Anak ko siya at hindi mawawala iyon.”Eh, tungkol kay Robi?Ani Sylvia, na natatawa: “Mahal ko rin si Robi. Kung anuman iyon, hanggang diyan lang kayo.”Sa madaling salita, hangga’t maaari ay ayaw sumawsaw ni Sylvia sa nangyari kina JLC at Robi — both of whom she holds dear.Ronnie Carrasco III