Home NATIONWIDE Mega Job Fair sa Maynila, dinagsa

Mega Job Fair sa Maynila, dinagsa

160
0

MANILA, Philippines – Dinagsa ng mga job seeker ang ikinasang kauna-unahang Mega Job Fair ngayong taon ng Public Employment Service Office (PESO) Manila.

Nasa 30 local at limang overseas employer ang nakilahok sa job fair na handang magbigay ng oportunidad sa mga naghahanap ng trabaho, domestic man o international.

Ikinasa ito sa 5th Floor, West Wing ng SM City Manila kung saan nagsimula ito ng alas-10:00 ng umaga at magtatagal hanggang alas-3:00 ng hapon.

Bukod sa mga inaalok na trabaho, may job orientation din na isinasagawa ang PESO Manila upang malaman ng mga naghahanap ng trabaho ang mga dapat at hindi nila dapat gawin upang sila ay matanggap sa kumpanya.

Mayroon ding One-Stop Shop na inilagay dito tulad ng SSS, TESDA para sa mga nais sumailalim sa training, at Department of Migrant Workers para naman sa mga may katanungan sa mga nais magtrabaho sa ibang bansa.

Maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nakibahagi rin sa Mega Job Fair ng PESO Manila kung saan naghahanap sila ng mga sasailalim sa Officer Candidate Course at Candidate Soldier Course. Jocelyn Tabangcura-Domeden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here