Home NATIONWIDE Cargo truck tumagilid sa San Juanico Bridge

Cargo truck tumagilid sa San Juanico Bridge

174
0
Photo by PCG

MANILA, Philippines – Tumagilid ang isang cargo truck sa San Juanico Bridge nitong Biyernes, Pebrero 20 kung saan nahulog pa sa dagat ang isa sa mga helper nito.

Ang insidente ay nangyari 9:30 ng gabi habang tinatawid ng trak ang tulay mula Samar patungong Tacloban City na minamaneho ni Ronnie Timogtimog, kasama ang helpers na sina Francis Labro at Ronald Timogtimog.

Sa inisyal na imbestigasyon, nasilaw ang drayber ng trak sa matinding high-beam headlights ng kasalubong na sasakyan.

Habang sinusubukan na iwasan ang posibleng pagbangga nito sa motorsiklo ay kumabig ito dahilan para tumagilid ang trak at bumangga sa barikada ng tulay.

Ang San Juanico Bridge ay kasalukuyang isinasaayos at umiiral ang one-lane alternating traffic scheme.

Samantala, dahil sa matinding impact ng pagtagilid ng trak ay tumilapon ang isa sa mga helper at nahulog sa dagat.

Agad namang rumesponde ang mga mangingisda sa lugar at nasagip ito bago pa dumating ang mga awtoridad.

Rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard District Eastern Visayas, Coast Guard Medical Station –Eastern Visayas, at Nursing Service Sub-Unit – Eastern Visayas sa mga biktima.

Tuluyan namang naalis ang tumagilid na trak sa tulay araw ng Sabado. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here