MANILA, Philippines – Mahigpit na ipatutupad ng Bureau of Customs (BOC) ang 90-day dwell time para sa mga walang laman na shipping container sa mga pantalan.
Sa pahayag ng BOC nitong Sabado, Pebrero 21, nanawagan ito sa Association of International Shipping Lines, Inc. (AISL) na makipag-ugnayan sa mga apektadong shipping lines na alisin ang mga walang laman na container, maghain ng kaukulang declaration forms, at bayaran ang kinakailangang duties at taxes.
“Non-compliance may result in the initiation of appropriate enforcement measures in accordance with existing customs laws, rules, and regulations,” saad sa pahayag.
Sinabi pa ng BOC na ang pag-aalis ng mga walang laman na container ay magpapaluwag sa terminal space at makatutulong sa pagpapahupa ng congestion sa Manila South Harbor at Manila International Container Terminal (MICT). RNT/JGC