ILOILO, Philippines – Arestado ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairperson sa Sara, Iloilo noong Pebrero 20 matapos mahuli sa buy-bust operation na naglaman ng mahigit P2 milyon halaga ng umano’y shabu, ayon sa Philippine National Police.
Ayon sa PNP, isinagawa ang anti-narcotics operation ng Sara Municipal Police Station at 2nd Iloilo Provincial Mobile Force Company matapos ang limang buwang intelligence operations.
Nakuha mula sa 26-anyos na SK chairperson ang 22 medium-sized sachets ng shabu na may kabuuang bigat na 300 gramo at tinatayang P2.04 milyon ang halaga.
Nakuha rin ang 10 gramo ng umano’y marijuana na nagkakahalaga ng P1,000 at buy-bust money.
Ang suspek ay kakaharapin ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na may parusang habambuhay na pagkakakulong at P10 milyong multa. RNT/MND