Home TOP STORIES 11 utas sa banggaan ng bus, truck sa UAE

11 utas sa banggaan ng bus, truck sa UAE

1
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang 11 katao matapos magbanggaan ang isang bus at truck sa Ras Al Khaimah sa United Arab Emirates (UAE), ayon sa mga awtoridad nitong Martes.

Patuloy pang iniimbestigahan ng Ministry of Interior ng UAE ang mga pangyayari at dahilan ng aksidente.

Ito na ang ikalawang malaking aksidente sa kalsada sa bansa ngayong Nobyembre.

Noong Nobyembre 12, 14 katao ang nasawi at 30 iba pa ang nasugatan sa salpukan ng maraming sasakyan sa Fujairah matapos mawalan ng kontrol ang isang truck driver at mabangga ang ilang sasakyan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here