Home METRO Mag-asawang tulak laglag sa P22K ‘bato’, ‘boga’ sa Bulacan buy-bust

Mag-asawang tulak laglag sa P22K ‘bato’, ‘boga’ sa Bulacan buy-bust

1
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang mag-asawang pinaghihinalaang tulak nang mahulihan umano ng P22,440.00,shotgun sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Pandi nitong madaling araw ng Nobyembre 24.

Sa ulat ni PLTCOL Darwin Abainza, hepe ng Pandi police station, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Kile”, 50, at kanyang asawang 54 anyos, kapwa residente ng Brgy. Cacarong Bata.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng istasyon bandang 1:00 ng madaling araw sa nasabing lugar.

Nabatid na nasamsam sa operasyon ang apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 3.3 gramo na nasa halagang P22,440.00, improvised shot gun, tatlong bala, pouch, coin purse at buy-bust money.

Dinala ang mga suspek at mga ebidensya sa istasyon para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kaukulang kaso. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here