Home NATIONWIDE US-PH trade deal wala pang napagkakasunduang detalye – Palasyo

US-PH trade deal wala pang napagkakasunduang detalye – Palasyo

2
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na wala pang napagkakasunduang mga tuntunin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng kasunduan sa kalakalan na inanunsyo ni US President Donald Trump sa kanyang pagbisita sa Pilipinas,.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi pa pinal ang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa, kabilang na ang takdang panahon ng pagpapatupad nito.

“Wala pang terms,” ayon kay Castro.

“Pinag-usapan lang po ay bilisan kung ano man transaction na maaaring mangyari, bilisan ang pagkatrabaho mula sa representative ng Pilipinas at sa representative ng US,” aniya pa rin.

Nauna nang inanunsyo ni Trump na mag-aangkat ang Pilipinas ng 100 porsiyento ng mga produktong agrikultural at pangangailangan nito sa enerhiya mula sa Estados Unidos simula Enero 1 ng susunod na taon.

Gayunman, sinabi ni Castro na wala pang tiyak na takdang panahon para sa kasunduan sa kalakalan dahil hindi pa naipapasa ng mga miyembro ng Gabinete ang kanilang mga rekomendasyon.

Ipinaliwanag din niya na sa ilalim ng kasunduan, magkakaroon pa rin ng opsyon ang Pilipinas na kumuha ng mga produkto at pangunahing pangangailangan mula sa iba pang mga supplier.

Ang lahat po na gagawin na transaction ay makakabuti, kung di man makakabuti pareho sa dalawang bansa, makakabuti ito dapat sa Pilipinas,” ang winika pa ni Castro.

Winika ni Castro na mananatiling malaya ang Pilipinas sa pagpili ng mga supplier nito batay sa kung ano ang higit na makabubuti para sa bansa.

“Depende sa situasyon. Kung saan mas makakabuti sa bansa natin, yun po ang gagawin ng Pangulo. Halimbawa yung dati nating pinagkukunan ng source, mas mataas o hindi na available o mahirap pasukin, talagang maghahanap ang Pangulo ng bagong source,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here