Home NATIONWIDE Face masks, bonnet bawal na sa mga motorista sa Maguindanao del Sur

Face masks, bonnet bawal na sa mga motorista sa Maguindanao del Sur

137
0

MANILA, Philippines – Para maiwasan ang mga krimen sa Maguindanao del Sur, ipinagbawal ng mga opisyal ng Sultan sa Barongis ang paggamit ng facemasks at ski masks o bonnet ng mga motorista.

Sa ordinansa ng munisipyo, pinagbabawalan ang mga motorista na dumadaan sa mga kalsada at highway na gumamit ng face masks at bonnet, ayon kay Vice Mayor Prince Al-Jofner Angas Sr., ng Sultan sa Barongis.

Karamihan kasi sa mga sangkot sa krimen sa bayan at iba pang lugar sa Maguindanao del Sur ay nakasuot ng mask para takpan ang kanilang mga mukha.

Partikular na nakatutok ang kautusan sa mga motorcycle rider dahil karamihan sa mga sangkot sa pagnanakaw, pamamaril at pananambang ay nakasuot ng mask.

Ani Angas, ang mga lalabag sa ordinansa ay magmumulta ng P2,500.

Ipinaliwanag pa nito na nagdesisyon ang Sangguniang Bayan na ipasa ang ordinansa upang sugpuin ang mga krimen.

Sakop din ng ordinansa ang mga delivery rider na gumagamit ng mask, hooded jacket at sunglasses para takpan ang kanilang mga katawan sa matinding init ng panahon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here