Home NATIONWIDE DOLE, may paalala sa tamang pasahod sa paggunita ng EDSA People Power...

DOLE, may paalala sa tamang pasahod sa paggunita ng EDSA People Power anniversary

174
0
filter: 0; jpegRotation: 90; fileterIntensity: 0.000000; filterMask: 0; module:1facing:0; hw-remosaic: 0; touch: (-1.0, -1.0); modeInfo: ; sceneMode: Hdr; cct_value: 0; AI_Scene: (23, -1); aec_lux: 0.0; hist255: 0.0; hist252~255: 0.0; hist0~15: 0.0;

MANILA, Philippines – Ituturing na karaniwang araw ng trabaho pagdating sa sahod at benepisyo ang paggunita ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa inilabas na Labor Advisory No.1 Series of 2026 ng Department of Labor and Employment (DOLE), inilatag ang tamang pagbabayad ng sahod para sa Pebrero 25, 2026 na idineklarang Special (Working) Day alinsunod sa Proclamation No.1006.

Ayon sa DOLE, paiiralin ang prinsipyong “no work, no pay” sa mga empleyadong hindi papasok, maliban na lamang kung may umiiral na mas paborableng company policy, practice, o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng bayad kahit special day.

Para naman sa mga papasok sa trabaho, tatanggapin nila ang 100 porsiyento ng kanilang sahod para sa unang walong oras ng trabaho.

Samantala, para sa trabahong lalagpas sa walong oras, dapat bayaran ng employer ang karagdagang 25 porsiyento ng hourly rate ng empleyado sa naturang araw.

Paalala ng DOLE sa mga employer at manggagawa na sundin ang itinakdang panuntunan upang maiwasan ang anumang paglabag sa labor standards. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here