Manila, Philippines – Salamat at nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Wency Cornejo.
Si Wency ay anak ng beteranong broadcaster na si Mel Tiangco.
How ironic nga dahil ang pinasikat na awitin ni Wency na Habang May Buhay–sa pamagat pa lang ay kabaligtaran ng sinapit niyang near-death experience.
Ayon sa kanyang post sa Facebook, nangyari ito noong sumailalim siya sa surgery.
Sa gitna daw kasi ng operasyon, tumigil ang paghinga ni Wency.
Ibinahagi ng singer ang larawan habang nakahiga sa operating table, kasama ang ilang doktor.
Buti na lang, bumalik ang kanyang heartbeat dahil sa pump at oxygen.
Ani Wency, he underwent anthroscopic knee surgery.
His anaesthesiologist told him he had stopped breathing and could have expired.
Samantala, sa halip na damayan siya’y may ilang netizens ang nag-post ng kanilang mga hate messages para kay Wency.
Kinuyog kasi siya ng mga umano’y anti-Duterte sa pagiging DDS niya.
Naniniwala tuloy ang singer na nawawala ang pagiging makatao ng ilan pag pulitika na ang pinag-uusapan.
Pinuri ni Wency ang mga kapwa singer na sina Bayang Barrios at Cookie Chua na iginagalang ang kanyang idelohiya kahit magkasalungat ang kanilang pananaw sa pulitika. Ronnie Carrasco III