Home NATIONWIDE DMW nagbabala vs alok na pekeng trabaho abroad

DMW nagbabala vs alok na pekeng trabaho abroad

161
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) laban sa mga scammer na nagpapanggap bilang Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at nag-aalok ng pekeng trabaho abroad sa pamamagitan ng email at social media.

Sa Facebook post ng ahensya, ibinahagi ang screenshot ng email mula sa scammer na nagpapanggap na si Cacdac at umano’y nagbibigay ng update sa isang aspiring overseas Filipino worker (OFW). Nilinaw ng DMW na ang email address na “[email protected]
” ay pekeng account at walang kaugnayan sa kalihim.

“Ang pekeng account na ito ay maaaring makapagdulot ng kalituhan at maling impormasyon sa ating mga OFWs at kanilang pamilya. Ito rin ay hindi awtorisado ng DMW na mag-advertise ng mga trabaho sa ibang bansa at magproseso ng dokumentong kailangan sa pagtatrabaho abroad,” ayon sa DMW.

Hinimok ng ahensya ang publiko na i-report ang mga kahina-hinalang job offers at iwasan ang pakikipag-ugnayan sa mga hindi beripikadong entity.

“Huwag rin basta makipag-ugnayan sa mga unverified entities upang hindi mabiktima ng SCAM,” dagdag nito.

Pinayuhan ng DMW ang mga OFW at job seekers na i-verify ang mga job opportunities sa kanilang official website at Facebook page, at makipag-ugnayan sa kanilang Public Assistance Desk para sa agarang tulong. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here