Home HOME BANNER STORY ‘Di pagbalik sa Pinas ni Digong, tanggap na ng pamilya Duterte

‘Di pagbalik sa Pinas ni Digong, tanggap na ng pamilya Duterte

233
0

MANILA, Philippines – Maaaring hindi na bumalik sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa pahayag ng kanyang pamilya matapos i-confirm ng International Criminal Court (ICC) ang kanyang mga kasong crimes against humanity.

Sa isang panayam sa Iligan City noong Pebrero 24, sinabi ni Vice President Sara Duterte na “Hindi na namin tinitingnan yung chances of coming home. Hindi na namin pinag-uusapan ‘yun.” Idinagdag niya na hindi pinayagan ang pamilya na makita si Duterte sa kanyang detention sa buong linggo.

Ayon kay Sara, sa statement ng dating presidente sa ICC, “natanggap ko na na posibleng dito ako mamatay sa kulungan ng ICC,” at sinabi niyang hindi na siya dadalo sa mga hearings ng confirmation of charges.

Si Duterte, sa kanyang mga liham sa ICC, ay nag-waive ng karapatan na dumalo sa hearings, binanggit na siya ay “matanda, pagod, at mahina,” at iginiit na siya ay “kinidnap” patungong The Hague kahit walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas. Pinayagan naman ng ICC ang kanyang kahilingan.

Nagpasalamat si Sara sa abogado ni Duterte, Nicholas Kaufman, at sa buong defense team sa kanilang paghahanda at pagtitiwala na walang ebidensya na magpapatunay ng kasalanan ng dating presidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here