Home NATIONWIDE BOC: 8 sasakyan ni Zaldy Co, kukumpiskahin sa problema sa dokumento

BOC: 8 sasakyan ni Zaldy Co, kukumpiskahin sa problema sa dokumento

132
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Bureau of Customs (BOC), may “problems with documents” ang hindi bababa sa walong sasakyan na konektado sa dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Maglalabas ng warrant of seizure and detention para sa mga sasakyan, sabi ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno.

“Hindi nila naipakita ‘yong mga tamang pinagbayaran, ‘yong mga tamang dokumento. Meaning, ‘yong mga certificate of payment, import entries — kagaya doon sa Discaya cars — meron ding problema,” ani Nepomuceno.

Naunang iniulat ng PNP-Highway Patrol Group na nakumpiska nila ang 14 luxury vehicles ni Co sa kanyang condominium sa Taguig at dalawa sa kanyang bahay sa Albay. Ilan sa mga sasakyan ay kasalukuyang nasa Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Taguig.

Sinabi ni Nepomuceno na isisiguro ng BOC at Philippine Coast Guard ang seguridad ng mga sasakyan. Ang mga ito ay ia-auction kapag naipatupad na ang warrant.

Si Co ay pangunahing personalidad sa kontrobersiya ng umano’y katiwalian sa mga flood control projects. Iniuulat na siya ay naninirahan sa Lisbon at idineklara nang fugitive matapos maiugnay sa mga anomalya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here