Home METRO 2 arestado sa panghahalay sa Laguna, Batangas

2 arestado sa panghahalay sa Laguna, Batangas

196
0

LAGUNA, Philippines – Dalawang katao ang inaresto sa kasong rape sa magkasunod at magkahiwalay na operasyon kahapon (Feb.25,2026) sa probinsya ng Laguna at Batangas.

Ang suspek na si alyas Jared ay naaresto sa Barangay San Isidro Cabuyao City, Laguna  sa bisa ng warrant of arrest sa kasong statutory rape ( Art 266-A ( D) in the relation to Art. 266- B of the RPC as amended by R.A. 11648 na inisyu ni Hon. arnold Rimon Martinez Presiding Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region Branch 108 Cabuyao City, Laguna na mau Criminal Case No. 069-C 2026- CR, 070- C -2026 -CR, 071- C – 2026- CR to 072 – C- 2026- CR dated February 24,2026.

Samantalang ang suspek na si alyas Joshua ay inaresto sa Barangay Santor Tanauan City, Batangas sa bisa ng warrant of arrest sa kasong 2 Counts of rape na inisyu ni Hon. Nevic C. Adolfo, Presiding Judge , Regional Trial Court Branch 83, Tanauan City, Batangas Criminal Case No. 25-11-1302 to 25-11-1303 na may petsang December 2, 2025.

Base sa report na dumating sa tanggapan ni PBGen. Paul Kenneth T. Lucas Regional Director ng PRO4 Calabarzon ng dakong alas-9:15 kahapon ng umaga nang arestuhin ang suspek na si Alyas Joshua ng pinagsanib na puwersa ng Tanauan Component City Police Station, kasunod na inaresto ang suspek na si Alyas Jared nang dakong alas- 10:35 kagabi ng Tracker Team ng Cabuyao Component City Police Station.

Napag-alaman na ang dalawang suspek ay kapwa nasa listahan ng Most Wanted Person , Regional Level at  hindi umano pinapayagang makapaglagak ng piyansa para sa kanilang pansamantalang paglaya. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here