Home HOME BANNER STORY Mga magulang aalertuhin sa paulit-ulit na suicide-related searches ng anak

Mga magulang aalertuhin sa paulit-ulit na suicide-related searches ng anak

180
0

SAN FRANCISCO, California — Magpapadala na ang Instagram ng abiso sa mga magulang kapag paulit-ulit na naghahanap ang kanilang mga anak na tinedyer ng mga terminong may kaugnayan sa suicide o self-harm, ayon sa anunsyo ng Meta nitong Huwebes, kasabay ng tumitinding legal na presyur laban sa kumpanya.

Ilulunsad ang alerts sa mga susunod na linggo sa United States, Britain, Australia, at Canada, at maa-activate kapag maraming beses na naghanap ng ganitong termino ang isang tinedyer sa maikling panahon. Palalawakin ito sa iba pang rehiyon sa huling bahagi ng 2026.

Makakatanggap ng abiso sa pamamagitan ng email, text, WhatsApp, at mismong app ang mga magulang na gumagamit ng parental supervision tools, kasama ang mga ekspertong gabay upang matulungan silang makipag-usap sa kanilang mga anak.

Sa kasalukuyan, hinaharang na ng Instagram ang mga search na may kaugnayan sa suicide at self-harm at itinuturo ang mga user sa helplines at support organizations. Layunin ng bagong sistema na ma-flag ang mga kasong patuloy pa ring sinusubukan ng mga tinedyer na maghanap ng naturang content.

Ayon sa Meta, kumonsulta ito sa Suicide and Self-Harm Advisory Group sa pagtatakda ng threshold para sa alerts at pinili nitong maging mas maingat, kahit pa may ilang notification na maaaring hindi seryosong kaso.

Inihayag ang hakbang habang kinakaharap ng Meta ang mga kasong legal, kabilang ang isang landmark trial sa California kung saan tumestigo si CEO Mark Zuckerberg kaugnay ng alegasyong nagdulot ng addiction sa mga menor de edad ang kanilang mga platform.

Kasabay nito, nahaharap din ang Meta sa pandaigdigang panawagan na higpitan ang access ng mga bata sa social media, kabilang ang pagbabawal sa Australia sa mga wala pang 16 taong gulang at mga panukalang katulad sa France, Denmark, Spain, at United Kingdom. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here