Home NATIONWIDE Digong ‘in good spirits’ sa final defense submissions sa ICC – Kaufman

Digong ‘in good spirits’ sa final defense submissions sa ICC – Kaufman

189
0

THE HAGUE, Netherlands — Nananatiling “in good spirits” si dating Pangulong Rodrigo Duterte habang naghahanda ang kanyang kampo na tapusin ang kanilang mga pagsusumite sa confirmation of charges hearing sa International Criminal Court (ICC), ayon sa kanyang abogado na si Nicholas Kaufman.

Sa maikling panayam matapos ang ikatlong araw ng pagdinig, sinabi ni Kaufman na binisita niya si Duterte sa detention facility upang i-update ito sa mga nangyayari sa korte.

“I went up to the prison and I told him everything that was going on,” aniya.

Nilinaw ni Kaufman na hindi sinusubaybayan ni Duterte ang pagdinig matapos niyang i-waive ang kanyang pagdalo, ngunit bahagi umano ng kanyang tungkulin bilang counsel ang magbigay ng ulat sa kanyang kliyente.

“I give him a report, of course. I’m counsel, and I’m expected to give my client a report… It would be unethical otherwise,” aniya.

Dagdag niya, matatapos niya ang kanyang argumento sa susunod na pagdinig. “I have one more hour left tomorrow, and then I will complete my submissions,” aniya.

Kaugnay ng usapin ng hurisdiksyon, sinabi ni Kaufman na ito ay nasa Appeals Chamber pa at hindi bahagi ng confirmation stage. “It’s not the place to argue jurisdiction in the confirmation hearings,” aniya.

Hindi rin nagbigay ng detalye si Kaufman sa pagbanggit niya kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa kanyang pagsusumite, dahil umano sa court protective measures. “What I said is what I said,” aniya.

Sa kanyang opening statement noong Lunes, sinabi ni Kaufman na sinikap umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “neutralize” si Duterte at binanggit ang umano’y transcript ng isang tawag sa telepono ng apat na hindi pinangalanang indibidwal na may kinalaman umano sa pag-impluwensya sa mga testigo sa ICC.

Tinawag naman ni Castro na “preposterous” ang naturang alegasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here