MANILA, Philippines – Tatanggap ng nasa P11,000 ang mga Electoral Board members na magsisilbi sa March 14 special congressional polls sa ikalawang distrito ng Antipolo City.
Ang honoraria para sa chairperson ay P12,000 habang P11,000 naman sa mga miyembro. Ito ay batay sa Comelec Resolution No. 11198.
Idinagdag pa ng Comelec na ang mga EB chair at members ay makakakuha ng hindi bababa sa 10 araw na service credit kung sila ay mga empleyado ng gobyerno.
Bukod sa honoraria, ang mga special polls workers ay may karapatan din sa P5,000.00 death benefits, gayundin sa P200,000 medical assistance.
Sinabi ni Garcia na ang honoraria at benepisyo ay katulad ng halagang natanggap ng mga nagsilbi noong May 2025 election.
Sa special elections sa Antipolo, magkakaroon ng kabuuang 348 clustered precincts para sa 252,793 rehistradong botante ng distrito.
Ang March 14 ay isang espesyal na araw na walang pasok sa distrito matapos itong ideklara ng MalacaƱang sa ilalim ng Proclamation No. 1173. (Jocelyn Tabangcura Domenden)