Home SPORTS Cone bumilib sa depensa ng Tall Blacks vs Brownlee

Cone bumilib sa depensa ng Tall Blacks vs Brownlee

160
0

KINILALA ni Tim Cone ang mahusay at disiplinadong depensa ng New Zealand Tall Blacks na pumigil sa produksiyon ni Justin Brownlee sa FIBA Basketball World Cup 2027 Asian Qualifiers nitong Huwebes.

Nauwi sa 69-66 loss ang Gilas Pilipinas, ang una nilang kabiguan sa Group A matapos ang dalawang panalo kontra Guam.

Nalimitahan si Brownlee sa apat na puntos mula sa 2-of-10 shooting, isa sa pinakamahina niyang output sa internasyonal na torneo kasama ang Gilas.

Sa kabila nito, iginiit ni Cone na malinaw ang game plan ng Tall Blacks na i-double team at i-deny ng bola ang naturalized forward.

Ayon sa beteranong coach, hindi naging komportable si Brownlee sa opensiba dahil sa agresibong coverage ng kalaban.

Gayunman, pinuri niya ang ambag nito sa depensa at sa paglikha ng espasyo para sa iba pang kakampi.

Sinubukang buhatin nina Dwight Ramos at Cjay Perez ang koponan matapos magsanib-pwersa para sa 31 puntos.
Naging sandigan sila ng Gilas sa gitna ng krusyal na sandali ng laban.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here