Home NATIONWIDE Easterlies magpapa-ulan sa ilang bahagi ng bansa

Easterlies magpapa-ulan sa ilang bahagi ng bansa

162
0

MANILA, Philippines – Inaasahang magiging maulap at may mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa easterlies ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Davao Region, Surigao del Sur, Agusan del Sur, South Cotabato, at Sarangani.

Samantala, sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang maulap ang papawirin na may posibilidad ng panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms.

Sa Batanes at Babuyan Islands, makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na may isolated light rains dulot ng Northeast Monsoon o Amihan.

Magiging mahina hanggang katamtaman ang lakas ng hangin, habang bahagya hanggang katamtaman ang taas ng alon sa mga baybayin. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here