Home HOME BANNER STORY Affidavit ng 18 ex-marines, handang imbestigahan ng DOJ kung papayagan ng Ombudsman

Affidavit ng 18 ex-marines, handang imbestigahan ng DOJ kung papayagan ng Ombudsman

181
0

MANILA, Philippines – Maaaring imbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang mga affidavit na inihain ng 18 dating Marines na nagsabing nagsilbi silang “bagmen” ng mga matataas na opisyal, kung ide-deputize sila ng Office of the Ombudsman.

Sa ambush interview, sinabi ni DOJ spokesperson Polo Martinez na wala pa silang natatanggap na direktiba mula sa Ombudsman.

“(I)f the Ombudsman deems it proper to deputize us for the conduct of investigation of any case, hindi lang po ito no (not only this), that applies generally, then yes of course we will conduct the PI (preliminary investigation), as long as there is an agreement between the Office of the Ombudsman and the DOJ,” ani Martinez.

Nauna nang iniharap ni Atty. Levi Baligod ang 18 dating Marines na umano’y nakasaksi sa paghahatid ng hanggang P805 bilyong kickback mula sa mga kuwestiyonableng flood control projects patungo sa mga pulitiko.

Sa affidavit, itinuro nila si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang umano’y utak ng nasabing iskema, bagay na itinanggi ng Malacañang.

Ilan sa mga pinangalanan sa affidavit ang naglabas ng pagtanggi, habang may mga grupong kumuwestiyon sa timing nito at sinabing maaaring may motibong pulitikal.

Nanawagan ang Palasyo sa mga awtoridad na aksyunan ang nasa likod ng tinawag nitong “lousy script and repeated lies” na layong sirain ang reputasyon ng pangulo.

Samantala, sinabi ng Philippine Navy na apat sa 18 ay hindi kailanman naging miyembro ng serbisyo, habang ang karamihan ay dishonorably discharged. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here