Home NATIONWIDE ‘Di pagpapalabas ng mga senior sa ospital dahil sa “unpaid bills”, kinondena...

‘Di pagpapalabas ng mga senior sa ospital dahil sa “unpaid bills”, kinondena ng solon

151
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Rodolfo Ordanes na may mga ulat ng senior citizens na hindi pinapalabas ng ilang ospital kahit payag na silang umuwi dahil sa hindi nabayarang hospital bills at maling paggamit ng guarantee letters.

Ayon sa kanyang privilege speech, nakatanggap ang kanyang opisina ng reklamo laban sa tatlong government tertiary hospitals at isang private hospital.

“May mga senior citizens po na klaro nang magaling at pinayagan na ng doktor na makauwi, ngunit patuloy pa ring pinipigilang ma-discharge ng ospital dahil sa kakulangan ng pambayad. Mas masaklap pa, may mga pagkakataong pati ang mga pumanaw na pasyente ay hindi agad nailalabas ang bangkay sa parehong dahilan,” ani Ordanes.

Sinabi rin niya na may mga pasyente na nagbigay ng collateral ngunit tinanggihan pa rin ang admission o discharge, at may kaso rin ng maling paggamit ng guarantee letter ng senior citizen.

“I call on the DOH to ensure that all hospitals follow discharge protocols, do not detain patients just because of unpaid bills, and are using the guarantee letters properly. The same call goes for PhilHealth,” dagdag niya.

Sa tugon naman, sinabi ni Albert Domingo na handa ang Department of Health na tumulong sa mga pasyenteng may reklamo.

“Handa ang DOH na tumulong sa lahat ng may nais ilapit na reklamo o sitwasyong maaaring may paglabag sa polisiya. Nais po naming tatanggapin ang mga detalye para agarang matulungan,” ani Domingo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here