Home IN PHOTOS Pagbabalik ng pork import tariffs, pansamantalang pagsuspinde ng imports hiniling ng mga...

Pagbabalik ng pork import tariffs, pansamantalang pagsuspinde ng imports hiniling ng mga hog raiser

1
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng mga hog raisers at allied industry groups ang gobyerno na ibalik ang pork import tariffs sa 40% para sa out-quota imports at 30% para sa in-quota imports at pansamantalang suspindihin ang karagdagang pork import sa isang press conference sa Quezon City noong Biyernes, Oktubre 9, 2026.

Sa isang joint manifesto, binanggit ng mga grupo ang pagbaba ng presyo ng farmgate at pagtaas ng mga gastos sa produksyon, na nagsasabing ang mga lokal na producer ay nalulugi ng ₱50 hanggang ₱90 kada kilo.

Nanawagan sila ng agarang aksyon ng gobyerno para protektahan ang lokal na industriya ng baboy mula sa karagdagang pagkalugi. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here