Home HOME BANNER STORY Rep Suntay sinita sa ‘kalaswaan’ sa gitna ng pagdinig

Rep Suntay sinita sa ‘kalaswaan’ sa gitna ng pagdinig

209
0

MANILA, Philippines – Nagdesisyon ang House Committee on Justice na tanggalin sa record ng impeachment proceeding ang tila malisyosong naging pahayag ni Quezon City Rep Jesus Suntay na nagsabing “nag-imagine” ito nang makita sa isang hotel ang aktres na si Anne Curtis.

Sa pagtalakay ng komite sa ikatlong impeachment complaint ay ipinunto ni Suntay na walang political destabilization o sedition nang sabihin ni Vice President Sara Duterte na sya ay “designated survivor”.

“You know, ‘yung statement being the ‘designated survivor,’ it’s not illegal, it’s not criminal. In fact, it’s a process in the United States,” paliwanag ni Suntay.

“Mere utterance na I’m designating myself… in fact, hindi nga puwede ‘yon eh. Can you designate yourself without a process Sinabi lang niya ‘yon, siguro nagpapatawa lang siya,” dagdag nito.

Upang lalong ipaliwanag ang kanyang punto ay ikinuwento nito na minsang nyang nakita si Curtis sa Shangrila Hotel.

“Alam niyo minsan… nakita ko si Anne Curtis, ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na, nag-init talaga, na-imagine ko na lang kung ano’ng pwedeng mangyari pero syempre hanggang imagination na lang ‘yon. Pero ‘di naman siguro ako pwedeng kasuhan kung ano ang na-imagine ko eh,” sambit ni Suntay.

Hindi naman pinalampas ng mga kapwa mambabatas ang pahayag ni Suntay at agad na nagmosyon si San Juan Rep Ysabel Maria Zamora na alisin sa record ang mga pinagsasabi ng mambabatas.

Agad itong sinang ayunan sa malakas na boses ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr.

“I want that deleted from the record!,” pahayag ni Abante.

Pinaalala pa ni Zamora kay Suntay na inoobserba ngayong buwan ng Marso ang Women’s Month.

“With all due respect to my friend Congressman Bong Suntay, it is just the start of the Women’s Month, and I don’t think that we should be hearing such comments from our dear colleagues. We’re not censuring anything, but we are reminding them that in fact, we should support women by not saying these statements… And things like this do not empower women,” ani Zamora.

Dumepensa si Suntay sa pagsasabing walang illegal o immoral sa kanyang sinabi.

“There is nothing sexual do’n sa sinabi ko, nothing immoral, it’s just, I said, may na-imagine ako, I think there is nothing wrong,” depensa nito.

Sinabi pa nito na masamang precedent ang nangyari dahil ang kanyang manifestation na hindi naman illegal at immoral ay nacecensore.

Hindi kinatigan ng komite ang depensa ni Suntay at tinanggal sa record ang mga pinagsasabi nito laban kay Curtis. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here