Home NATIONWIDE HVI na ginang huli sa buy-bust sa Caloocan City

HVI na ginang huli sa buy-bust sa Caloocan City

126
0

MANILA, Philippines – BAGSAK sa hoyo ang isang ginang na itinuturing bilang High-Value Individual (HVI) nang maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil umano’y illegal drug activities ng 40-anyos na ginang.

Nang positibo ang ulat, kaagad bumuo ng team si P/Lt. Restie Mables, hepe ng SDEU bago ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek sa koordinasyon sa PDEA.

Matapos umanong tanggapin ng suspek ang marked money mula sa katransaksyon na pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba ng SDEU sa Brgy., 178, ng lungsod.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 103.2 grams ng suspected shabu na may estimated standard drug price na P701,760.00 at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 12-pirasong P1,000 boodle money.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Pinuri naman ni Gen. Dela Cruz ang arresting team sa kanilang matagumpay na operation na binibigyang-diin na ang NPD ay nananatiling matatag sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga para matiyak ang mas ligtas na komunidad. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here